Sabado, Hulyo 23, 2011
"MEMORIES"
Tumanda nanaman ako ng isang taon, kakalipas lang kasi ng birthday ko nung July 20 eh. Napakabilis ng panahon, naaalala ko nung elementary pa ako, puro laro lang ang alam ko, takbo dito takbo doon. Pero ngayon, college na ako, parang hindi ko namalayan ang panahon. Siguro ang karamihan din ay ganun. Pero kahit na hindi natin namamalayan na tayo ay tumatanda na, hindi dapat natin makalimutan ang mga masasayang alaala sa ating buhay, tulad nalang ng birthday natin. Mahalaga ang mga ito sa tingin ko, dahil ang mga ito ay maaari nating paghugutan ng lakas ng loob sa mga oras na tayo ay pinanghihinaan. Maaari rin na ang mga alaalang ito ay gawin nating inspirasyon lalo na kung ang mga ito ay nagmula sa ating mga mahal sa buhay tulad na lamang ng ating mga magulang, kapatid, mga kaibigan at ang espesyal na tao sa ating puso. Sila ang mga tao na pwedeng makaapekto sa ating buhay ng malaki. Mas maganda kung mas pakaiingatan natin ang mga magagandang alaala sa buhay at itapon ang hindi magaganda.
Biyernes, Hulyo 8, 2011
“LOVE STORY”
Ano nga ba ang pag-big? Naranasan mo na ba ang umibig at masakatan? Ako, naranasan ko na ‘yan, at ilang beses na akong nasaktan. Marahil minsan tinatanong natin ang ating sarili kung bakit tayo nasaktan, kahit na tayo mismo ay alam na ang sagot, at 'yon ay dahil nagmahal tayo ng lubos. Pero kahit naman ilang beses pa tayong masaktan, kailangan nating bumangon o ‘yung tinatawag nilang “move on”. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa na makatatagpo pa tayo ng iba na mas nararapat sa ating pagmamahal. Nais kong ibahagi sa inyo ang munting “love story” ng buhay ko. Matapos akong masaktan sa una kong kasintahan, naramdaman ko ulit ang saya nang dumating sa buhay ko ang isang taong hindi ko inaasahan. Siya si “Ashly Santiago”,
ang relasyon na meron kami ay hindi pangkaraniwan, “long distance relationship” ang tawag dito. Pero kahit na ganito ang relasyon namin, ipinagmamalaki ko ito, dahil kahit na magkalayo kami, naiparamdam namin ang pagmamahal namin sa isa’t isa. Kahit na sa “cellphone” lang kami nagkakausap, masaya na kaming dalawa, dahil para sa amin, ang mahalaga lang naman ay ang komunikasyon sa isa’t-isa, dahil paano niyo maipararamdam kung gaano ninyo kamahal ang bawat isa kung wala kayong komunikasyon diba? Ang babaeng tulad niya ay madalang mo na lamang matatagpuan. Nasa kanya ang mga katangiang hinahanap ko sa isang babae, kaya nga ako “na-inlove” sa kanya. Pero sa kabila ng ganitong relasyon namin, nandyan ang katotohanan na hindi namin alam kung hanggang kailan kami. Ngunit kahit na merong ganitong katotohanan, ako ay umaasa padin na kaming dalawa ay magkikita din balang araw. ‘Yan ang “love story” ng buhay ko. Nais ko ding magbigay ng mensahe para sa mga taong nasaktan dahil sa pag-ibig. Huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil kung nadapa man kayo ngayon, maya-maya lamang ay maaari na kayong tumayo muli at ipagpatuloy ang paglalakbay. Anong malay n'yo, baka makasalubong n'yo ang taong mas nararapat sa pagmamahal na kaya ninyong ibigay.
Huwebes, Hulyo 7, 2011
"PANGARAP KO ITO!!!"
Noong una, ang pangarap ko lamang ay maging isang mekaniko, tapoz maging karpintero, at ang sumunod ay ang maging isang Inhinyero. Ikaw, ano ba ang pangarap mo noon?at ano na ito ngayon? Kung iyong papansinin, ang ating mga pangarap ay unti-unting nagbabago. Siguro para sa akin, nagbabago ang mga ito dahil sa mga kaalamang nadadagdag sa ating pag-iisip na siyang nagmumulat sa atin kung ano talaga ang ating nais pagdating nang araw. Noong bata pa tayo, ang tanging gusto natin ay ang magkaroon ng mga laruan tulad nitong nasa larawan
dahil ang maglaro pa lamang ang ating alam gawin.
Habang tumatagal dumadami ang ating mga nalalaman at kasabay noon namumulat tayo sa realidad. Ako, habang tumatagal nalalaman ko na ang mga magulang ko ay nagpapakahirap para kami ng aking mga kapatid ay mabigyan ng magandang buhay. Sa makatuwid, nalaman ko ang kanilang pinagdadaanan kung kaya't ang aking pangarap ngayon ay matulungan din sila at masukliaan ang kanilang pagpupursige para sa aming magkakapatid. Mas magiging masaya kasi ako kung makatutulong ako sa kanila kahit papaano, tulad na lamang ng aking pagtitipid. Sa simpleng pagtitipid kasi ay natutulungan ko na sila. Halimbawa, hindi ko na kailangang humingi ng pera sa kanila araw-araw kung meron naman akong naiipon. Sa halip na humingi ay gagamitin ko nalang muna ang aking ipon at hihingi na lamang kung kulang iyon. Ikaw? anong pagtulong sa mga magulang mo ang kaya mong gawin? at alam mo na din ba kung ano ang iyong pangarap sa ngayon?
dahil ang maglaro pa lamang ang ating alam gawin.
Habang tumatagal dumadami ang ating mga nalalaman at kasabay noon namumulat tayo sa realidad. Ako, habang tumatagal nalalaman ko na ang mga magulang ko ay nagpapakahirap para kami ng aking mga kapatid ay mabigyan ng magandang buhay. Sa makatuwid, nalaman ko ang kanilang pinagdadaanan kung kaya't ang aking pangarap ngayon ay matulungan din sila at masukliaan ang kanilang pagpupursige para sa aming magkakapatid. Mas magiging masaya kasi ako kung makatutulong ako sa kanila kahit papaano, tulad na lamang ng aking pagtitipid. Sa simpleng pagtitipid kasi ay natutulungan ko na sila. Halimbawa, hindi ko na kailangang humingi ng pera sa kanila araw-araw kung meron naman akong naiipon. Sa halip na humingi ay gagamitin ko nalang muna ang aking ipon at hihingi na lamang kung kulang iyon. Ikaw? anong pagtulong sa mga magulang mo ang kaya mong gawin? at alam mo na din ba kung ano ang iyong pangarap sa ngayon?
Linggo, Hunyo 19, 2011
"IDOLO"
Bawat isa sa atin ay may mga idolo dahil sa ating mga talento, meron jan iniidolo ang mga banda tulad ng "Parokya ni Edgar" dahil sa hilig at talento nila sa pagtugtog, ang iba naman ay may galing sa pag-ukit o pagguhit ng mga larawan kung kaya't iniidolo nila ang mga sikat na pintor at mangugughit, at meron din namang mga may talento sa pagsayaw na katulad ko na iniidolo ang ibang mga "Pro Dancers". Ako ay nabibilang sa mga mananayaw sa aming paaralan noong highschool pa ako. Nasubukan ko nading sumayaw ng "folk dance" at "ballroom dance", pero ang pinaka gusto kong sinasayaw ay ang "modern dance". Ang magsayaw talaga ang hilig ko simula pa noong nasa elementarya pa ako. At mas lalo akong nahilig dito ng namalas o nakita ko ang kagalingan ng mga dancer dito sa ating bansa tulad na lamang ng Philippine All Stars. Meron din akong mga hinangaan at inidolo sa ibang grupo tulad nina Jhong Hilario at Vhong Navarro ng grupong Streetboys. Si Jhong Hilario ay hinangaan ko dahil sa kagalingan niyang mag-exhibition at si Vhong Navarro naman ay dahil sa kanyang "flexibility" sa pagsayaw.
Bukod sa dalawang ito, inidolo ko rin ang grupong kumatawan sa Pilipinas na lumaban sa "World Hip Hop Championships" sa ibang bansa ilang taon na ang nakararaan. May ilang beses din nilang nakamit ang titulong "CHAMPION". Sila ang mga taong nagsama-sama para sa iisang hangarin, ang magdala ng karangalan sa bansang Pilipinas gamit ang kani-kanilang talento sa pagsasayaw na ipinagkaloob ng Panginoon sa kanila. Nais kong makilala niyo ang grupong iniidolo ko, ang "Philippine All Stars".
Sa mga karanasan ko sa pagsasayaw madami nadin akong natutunan. Ang ilan dito ay ang pagiging mapagkumbaba sa kabila ng mga naririnig kong mga papuri. Ang mga papuri sa atin ng ibang mga tao ay dapat lamang na inilalagay sa ating mga puso at hindi sa ating mga ulo. Para sa akin hindi naman masamang kabiliban mo din ang iyong sarili lalo na kung maraming tao ang pumupuri sa iyo, magiging masama lang ito kung sosobra ang ating pagkabilib sa ating mga sarili. Maaaring hindi natin ito mapansin ngunit ang ibang tao naman ang nakapupuna nito. Subalit kung ako ang tatanungin, hindi ko kalilimutang tanungin ang aking sarili kung ayos pa ba ang aking mga ginagawa. Ginagawa ko ito para maiwasan ko ang pag-angat sa ere. Alam kong naiintindihan niyo ang ibig kong sabihin dahil wala naman mas nakakikilala sa ating lahat kundi ang Panginoon at ang ating sarili. Isa pa palang aral na natutunan ko, huwag nating kalilimutan ang ating Diyos na siyang lumikha at siyang nagbigay ng lahat sa atin, mga talento, kaibigan, mga magulang at marami pang iba. Dapat natin siyang pasalamatan at gamitin ang mga talentong binigay niya sa atin sa mabuting paraan.
Bago matapos ang post kong ito nais ko pang ipakilala sa inyo ang isa ko pang idolo, walang iba kundi ang sarili ko. Ako nga pala si John Victor M. Soriano na mahilig sumayaw.
Hindi ako perpektong tao, ang ibig kong sabihin ay meron din naman akong kayabangan kahit papaano. Wala naman sigurong tao sa mundong ito ang walang kayabangan kahit katiting. Nais kong ibahagi sa inyo ang mga karanasan ko sa aking "Dancing Career".
Nagsimula ako sa pagsasayaw noong Gr. 5 ako, aminado ako na noon ay hindi ako gaanong marunong sumayaw. Siguro nga ay maraming lumalait sa akin noon pero hindi ako napanghinaan ng loob, nagsanay ako hanggang sa nag-improve ako. Bukod sa pagiging dancer, nangarap din ako noon na maging "choreographer", at ngayon ito ay natupad na dahil ako na ang tumatayong "choreographer" sa aming grupo. Hindi lang ako sa grupo namin nagbubuo ng sayaw, meron nadin kasi akong tinuruan na ibang grupo, kinuha nila ako bilang "choreographer". Ako din ang naging presedente ng "Dance Troupe" sa aming paaralan noong highschool pa ako at dahil doon ako din ang bumubuo ng aming sayaw. Pero meron din naman akong mga nakakatulong sa pagbuo kahit papaano. Bumuo din ako ng isang grupo sa aming paaralan na magrerepresent sa aming seksyon at ito ay pinangalanan kong "Urban Hip-Hop". Sumali kami sa patimpalak sa aming paaralan at kami ay nanalo bilang "Grand Champion". Hindi ko alam kung paano nangyari iyon basta ang alam ko lang ginawa namin ang best namin.
Ang aking tunay na grupo naman ay ang "JOBOYS", sumasali din sa mga patimpalak ngunit hindi kami pinapalad na manalo pero meron naman kaming nakukuhang place sa mga "dance contests". Bukod sa mga pagsali namin sa mga patimpalak, kami din ay nag-iintermission sa aming lugar tuwing fiesta sa programang
Ginoo at Binibining San Jose.
Kahit na hindi kami nagkakamit ng titulong "Champion" ayos lang dahil hindi naman nawawala ang aming pagkakaibigan. Ang aming grupo kasi ay hindi lang basta isang grupo kundi isang barkadahan nadin. Lumalaban padin naman kami sa mga patimpalak ngunit madalang na lamang. Ang huling patimpalak na sinalihan namin ay ang "Lantern Parade Dance Craze 2010" noong nakaraang Disyembre.
Bago matapos ang post ko na ito nais kong mapanuod niyo ang aming grupo gamit ang sayaw na pinaghirapan at binuo ko. Ito ay aking pinagmamalaki. Sana'y magustuhan ninyo ito.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)