Ano nga ba ang pag-big? Naranasan mo na ba ang umibig at masakatan? Ako, naranasan ko na ‘yan, at ilang beses na akong nasaktan. Marahil minsan tinatanong natin ang ating sarili kung bakit tayo nasaktan, kahit na tayo mismo ay alam na ang sagot, at 'yon ay dahil nagmahal tayo ng lubos. Pero kahit naman ilang beses pa tayong masaktan, kailangan nating bumangon o ‘yung tinatawag nilang “move on”. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa na makatatagpo pa tayo ng iba na mas nararapat sa ating pagmamahal. Nais kong ibahagi sa inyo ang munting “love story” ng buhay ko. Matapos akong masaktan sa una kong kasintahan, naramdaman ko ulit ang saya nang dumating sa buhay ko ang isang taong hindi ko inaasahan. Siya si “Ashly Santiago”,
ang relasyon na meron kami ay hindi pangkaraniwan, “long distance relationship” ang tawag dito. Pero kahit na ganito ang relasyon namin, ipinagmamalaki ko ito, dahil kahit na magkalayo kami, naiparamdam namin ang pagmamahal namin sa isa’t isa. Kahit na sa “cellphone” lang kami nagkakausap, masaya na kaming dalawa, dahil para sa amin, ang mahalaga lang naman ay ang komunikasyon sa isa’t-isa, dahil paano niyo maipararamdam kung gaano ninyo kamahal ang bawat isa kung wala kayong komunikasyon diba? Ang babaeng tulad niya ay madalang mo na lamang matatagpuan. Nasa kanya ang mga katangiang hinahanap ko sa isang babae, kaya nga ako “na-inlove” sa kanya. Pero sa kabila ng ganitong relasyon namin, nandyan ang katotohanan na hindi namin alam kung hanggang kailan kami. Ngunit kahit na merong ganitong katotohanan, ako ay umaasa padin na kaming dalawa ay magkikita din balang araw. ‘Yan ang “love story” ng buhay ko. Nais ko ding magbigay ng mensahe para sa mga taong nasaktan dahil sa pag-ibig. Huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil kung nadapa man kayo ngayon, maya-maya lamang ay maaari na kayong tumayo muli at ipagpatuloy ang paglalakbay. Anong malay n'yo, baka makasalubong n'yo ang taong mas nararapat sa pagmamahal na kaya ninyong ibigay.
cute :)
TumugonBurahinshort but meaningful. hehe. Like it.